Kahulugan ng POLO

POLO. (Philippine Overseas Labor Office) ay extension ng ating Department of Labor and Employment (DOLE) at ng POEA sa mga bansa kung saan may maraming bilang ng OFW. Dito pwede kumuha ang mga OFW ng kanilang OEC kung magbabakasyon sila sa Pilipinas. Dito rin bine- verify ang mga job orders at employment contracts upang masiguro na meron nga’ng trabaho ang mga manggagawang Pilipinong pumupunta/pumapasok dito, at ang mga trabahong yan ay taglay ang mga pinakamagandang kondisyon sa paggawa. Tungkulin ang POLO na protektahan at ipaglaban ang mga karapatan, kapakanan at interes ng ating mga kababayan sa ibang bansa.