Upa na Halimbawang mga Probisyon

Upa. Ang Mangungupa ay magbabayad ng upa sa Nagpapaupa alinsunod sa itaas na (3). Ang halaga ng upa para sa panahon na mas maiksi sa isang buwan ay kukuwentahin bilang ang 1 buwan ay katumbas ng 30 araw. Ang Nagpapaupa at ang Mangungupa ay maaring magkipagsundo na baguhin ang halaga ng upa kapag naging hindi na makatarungnan ito dahil sa susumusunod na dahilan: Ang halaga ng upa ay hindi na makatarungan dahil sa pagbaba/pagtaas ng amilyar/buwis at ibang singil sa lupa o sa gusali; Pagtaas / Pagbaba ng presyo ng lupa o gusali at ibang pagbabago dahil sa ekonomiya; at Kapag hindi nababagay ang upa kumpara sa upa ng magkatulad na gusali sa lugar. Article 5.
Upa. Ang Umuupa ay sumasang-xxxx na magbayad ng $ (I) para sa bahagi ng buwan na magtatapos sa (J) . Pagkatapos nito, ang Umuupa ay sumasang-ayong magbayad ng upa na $_(K)_ kada buwan. Ang halagang ito ay marapat na bayaran sa ika- (L) ng buwan sa (M) . Naiintidihan ng Umuupa na itong buwanang upa ay mas mababa sa merkadong (walang tulong na salapi) upa na dapat bayaran sa yunit na ito. Itong mababang upa ay posible rin dahil ang sanglaan sa proyektong ito ay tinustusan ng Department of Housing and Urban Development (HUD) at/o dahil ang HUD ay nagbibigay ng buwanang kabayaran sa Nagpapaupa sa ngalan ng Umuupa. Ang halaga, kung mayroon man, na ibinibigay ng HUD kada buwan sa ngalan ng Umuupa ay tinatawag na kabayarang tulong sa umuupa at ipinapakita sa linya ng "Assistance Payment" ng Owner’s Certification of Compliance sa pormularyong Tenant Eligibility and Rent Procedures ng HUD na Kalakip Bilang 1 sa Kasunduang ito. 4.