Premium Technical Support na Halimbawang mga Probisyon

Premium Technical Support. Ang Seksyon 13.9 na ito ay lumalapat sa Avast Total Care, AVG Premium Tech Support at iba pang serbisyo ng suportang teknikal (bawat isang, “Premium Technical Support”) na ibinebeta ng Nagbibili nang magkahiwalay sa software Solutions nito, at sa pamamagitan kung saan ang Nagbibili ay maaari kang tulungang mag-install, magkumpigura o mag-troubleshoot ng alinman sa isang sari-saring produkto ng software at/o kagmitan o mga sistema, kabilang ang PC, Mac, tablet, mobile phone o anumang ibang personal na pang- compute na aparato, wireless na router, cable modem o iba pang router, printer, digital camera, media player, Smart TV at DVD/Blu-Ray player. 13.9.1. Xxxxxxx ng Associate, sa pagbibigay ng Premium Technical Support, ang lahat ng makakaya nito upang matulungan ka sa mga problemang nararanasan mo ngunit dahil sa iba't ibang uri at pagiging kumplikado ng mga teknolohiyang kasalukuyang available, maaaring hindi maresolba ng Associate ang mga problema mo. Maaaring xxxxxx xxxx, halimbawa, ang mga problemang resulta ng mga error sa software o hardware na hindi pa nareresolba ng manufacturer, o mga problemang nauugnay sa kumpigurasyon ng kagamitan na dahilan upang maging imposible o napakahirap para sa Associate na ma-diagnose nang maayos at malutas ang isyu. Bilang resulta, kinukumpirma at tinatanggap mo na maaaring hindi maging sapat ang mga pagsisikap ng Nagbibili upang malutas ang mga isyung matutukoy mo, o upang malutas sa oras ang mga isyung iyon. 13.9.2. Ang Associate, sa pagbibigay ng Premium Technical Support, ay maaaring mangailangan ng malayuang pag-access sa iyong Device, at/o maaari nitong iatas na i-install mo ang Assistance Software, a kapag ginawa mo ay mangangahulugang kinukumpirma at tinatanggap mo na malalapat ang Seksyon 13.10 na iyon. Kung hindi ka makakapagbigay o hindi ka magbibigay ng malayuang pag-access sa iyong Device at/o hindi ka makakapag-download o hindi mo ida-download at ii-install ang Assistance Software sa Device o susundin ang iba pang mga tagubilin ng Nagbibili o ng Associate, o kung pagpapasyahan ng Nagbibili na ang iyong Device ay hindi kwalipikado para sa suporta sa ilalim ng suskrisyon sa Premium Technical Support, hindi magbibigay ng Premium Technical Support ang Nagbibili. 13.10.