Pinahihintulutang paggamit sa Solution na Halimbawang mga Probisyon

Pinahihintulutang paggamit sa Solution. 2.1. Maaari mong gamitin ang Solution, o para suportahan, hanggang sa napagkasunduang bilang (ang “Pinapahintulutang Dami ng mga Aparato”) ng mga mobile phone, smartphone, tablet, mobile network appliances, iba pang aparatong mobile (ang bawat-isa, ay “Mobile Device”), mga personal na computer, mga aparato na nakakonekta sa Internet, o iba pang aparato na kabagay sa Solution (ang bawat-isa, kabilang ang bawat-isang Aparatong Mobile, ay “Aparato”) ipinapahiwatig sa mga Naaangkop na Kundisyon nang eksklusibo: 2.1.1. Sa kaso ng Solutions na itinalaga ng Nagbibili para sa corporate, komersyal o pangnegosyong paggamti (ang bawat-isa, ay “Business Solution”), sa pamamagitan mo o ng iyong mga kaanib (iyong mga entidad na kumokontrol sa iyo, kinokontrol mo o nasa ilalim ng karaniwang kontrol sa iyo) para sa mga layuning panloob na negosyo. Kung sakali mang gamitin ng iyong affiliate sa ganitong paraan ang Business Solution, ikaw ang responsable sa pagsunod ng iyong affiliate sa Kasunduang ito, at ituturing na paglabag mo kapag may ginawang paglabag ang iyong affiliate. Sa iyo lang mananagot ang Nagbibili para sa anumang obligasyon ng Nagbibili sa ilalim ng Kasunduang ito, at hindi sa iyong mga affiliate na gumagamit sa Business Solution sa ilalim ng mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito. 2.1.2. Sa kaso ng lahat ng iba pang Solution (ang bawat isa ay “Consumer Solution”), ng isang tao, o mga miyembro ng kanyang sambahayan, para sa mga personal at hindi pangkomersyal na layunin. Upang linawin, hindi magbibigay o maglilisensiya ng Consumer Solution para sa paggamit ng: (i) sinumang tao para sa mga pangkomersyal na layunin; o (ii) anumang negosyo, kumpanya, entity ng pamahalaan, organisasyong hindi pampamahalaan o iba pang nonprofit na entity, o institusyon ng edukasyon. 2.2. Maaari kang gumawa ng isang backup na kopya ng Solution. 2.3. Sa kondisyong ikinumpigura ang Solution para sa paggamit sa network, maaari mong gamitin ang Solution sa isa o higit pang file server o virtual machine para sa paggamit sa isang local area network para lang sa isa (at hindi hihigit sa isa) sa mga sumusunod na layunin: 2.3.1. Permanenteng pag-install sa Solution sa mga hard disk o iba pang storage device hanggang sa Pinahihintulutang Bilang ng mga Device; o 2.3.2. Paggamit sa Solution sa naturang isang local area network, sa kondisyong hindi lalampas sa Pinahihintulutang Bilang ng mga Device ang bilang ng magkakaibang Device kung saan ginagamit ang Solution; o 2.3.3. Kung ang Mga Naa...