Malayuang Pag-akses na Halimbawang mga Probisyon

Malayuang Pag-akses. Ang Nagbibili o ang isang Associate, kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Plano ng Seguro, bilang bahagi ng Premium Technical Support o kaugnay ng iba pang mga serbisyo, ay kailangang kumonekta nang malayuan, at kunin ang kontrol, sa iyong kagamitan upang lutasin ang mga problemang nararanasan mo. Kaugnay ng sesyon ng malayuang koneksyon na ito: (a) Maaaring kailanganin ng Associate na magpatakbo ng iba't ibang script sa iyong kagamitan, gumawa ng mga pagbabago sa kumpigurasyon nito, mag-install at mag-uninstall ng software, at gumawa ng iba pang mga pagbabago sa kagamitan at/o mga setting ng software ng mga gayong kagamitan tulad ng maaaring kailanganin para matugunan ang iyong mga problema. Nauunawaan mo na ang Associate ay maaari, nguni’t hindi obligado, na mag-install at magtanggal ng iba't ibang kasangkapang software pang-may-ari o third party kung saan itinuturing ng Associate na kailangan ito para matulungan ka sa mga problemang nararanasan mo. Ang mga elemento ng mga gayong software ay pinapangalagaan ng batas, kasama ang copyright. (b) Tinatanggap at sinasang-ayunan mo na, sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Associate na magtatag ng isang sesyon ng malayuang koneksyon, binibigyan mo ang Nagbibili (at mga kapartner at kontratista nito na umaakto sa ngalan ng Nagbibili) ng kumpleto o limitadong akses sa iyong kagamitan, software at network (depende sa kumpigurasyon ng iyong kagamitan, software at network), at pinapahintulutan ang Nagbibili na gumawa ng mga gayong pagbabago tulad ng inilalarawan sa itaas o tulad ng ipinapayo sa ibang paraan ng Associate sa panahon ng paghahatid ng Solusyon. Tinatanggap at sinasang-ayunan mo na ang Associate, o ikaw na umaakto sa direksiyon ng Associate ay maaaring magbago, magtanggal o sumira ng software o data sa iyong kagamitan, baguhin ang kagamitan, mga setting ng software o network, o kung hindi man makialam sa wastong pagtakbo ng iyong kagamitan, software o network. (c) Tinatanggap at sinasang-ayunan mo na maaaring magkaroon ng akses ang Associate sa anumang impormasyong nakaimbak sa Device mo. Sinasanay ang mga Associate na hindi iakses ang higit pang impormasyon kaysa talagang kinakailangan upang malutas ang mga problema kung para saan mo hinihiling ang suporta ng Associate. Dapat kang manatili gayunman sa unahan ng iskrin ng Device mo para maobserbahan ang mga aksyon ng Associate habang naghahatid siya ng Solusyon sa iyong Device. Magkakaroon ka ng pagkakataon na tapusin ang sesyon ng live na supor...