Malayuang Pag-Access na Halimbawang mga Probisyon

Malayuang Pag-Access. Ang Nagbibili o ang isang Associate, kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Assurance Plan, bilang bahagi ng Premium Technical Support o kaugnay ng iba pang mga serbisyo, ay maaaring mangailangang kumonekta sa, at kontrolin ang, iyong kagamitan nang malayuan upang lutasin ang mga problemang nararanasan mo. Kaugnay ng session ng malayuang pagkonekta na ito: (a) Maaaring kailanganin ng Associate na magpatakbo ng iba't ibang script sa iyong kagamitan, gumawa ng mga pagbabago sa kumpigurasyon nito, mag-install at mag-uninstall ng software, at gumawa ng iba pang mga pagbabago sa kagamitan at/o mga setting ng software ng naturang kagamitan na maaaring kailanganin upang matugunan ang iyong mga problema. Nauunawaan mo na ang Associate ay maaari, ngunit hindi obligado, na mag-install at mag-alis ng iba't ibang software tool na pinagmamay-arian o mula sa ikatlong partido kung saan itinuturing ng Associate na kailangan ito upang matulungan ka sa mga problemang nararanasan mo. Ang mga elemento ng mga naturang software ay pinoprotektahan ng batas, kasama ang copyright. (b) Kinukumpirma at tinatanggap mo na, sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Associate na gumawa ng isang session ng malayuang pagkonekta, binibigyan mo ang Nagbibili (at ang mga kasosyo at contractor nito na kumikilos sa ngalan ng Nagbibili) ng kumpleto o limitadong access sa iyong kagamitan, software at network (depende sa kumpigurasyon ng iyong kagamitan, software at network), at pinapahintulutan mo ang Nagbibili na gumawa ng mga gayong pagbabago gaya ng inilalarawan sa itaas o gaya ng ipinapayo sa ibang paraan ng Associate sa paghahatid ng Solution. Kinukumpirma at tinatanggap mo na ang Associate, o ikaw na kumikilos sa atas ng Associate, ay maaaring magbago, mag-delete o sumira ng software o data sa iyong kagamitan, baguhin ang kagamitan, mga setting ng software o network, o kung hindi naman ay makialam sa wastong pagpapatakbo ng iyong kagamitan, software o network. (c) Kinukumpirma at tinatanggap mo na maaaring magkaroon ng access ang Associate sa anumang impormasyong naka-store sa Device mo. Ang mga Associate ay sinanay na hindi mag- access ng impormasyong higit sa kinakailangan upang lutasin ang mga problema kung para saan mo hinihiling ang suporta ng Associate. Sa kabila nito, dapat kang manatiling nakatutok sa screen ng iyong Device upang obserbahan ang mga pagkilos ng Associate habang inihahatid niya ang Solution sa iyong Device. Magkakaroon ka ng pagkakataong wakasan ang session ng live...