UNIFORM NA SECURED NA NOTE na Halimbawang mga Probisyon

UNIFORM NA SECURED NA NOTE. Ang Note na ito ay isang uniform na instrument na may mga limitadong variation sa ilang hurisdiksyon. Bukod sa mga proteksyong ibinibigay sa May-ari ng Note sa ilalim ng Note na ito, pinoprotektahan ng Mortgage, Mortgage Deed, Deed of Trust, o Security Deed (“Security Instrument”), na may petsang pareho sa petsa ng Note na ito, mula sa mga posibleng pagkalugi na puwedeng magresulta kung hindi ko matutupad ang mga ipinangako ko sa Note na ito. Inilalarawan din ng Security Instrument na iyon kung paano at sa anong mga kundisyon ako puwedeng atasan na bayaran kaagad ang lahat ng halagang dapat kong bayaran alinsunod sa Note na ito. Ang ilan sa mga kundisyong iyon ay inilalarawan sa ganitong paraan: Kung ang lahat ng o ang anumang bahagi ng Pag-aari o Interes sa Pag-aari ay maibebenta x xxxx-transfer (o kung hindi natural na tao ang Borrower at may maibebenta x xxxx-transfer na kapaki-pakinabang na interes sa Borrower) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Lender, puwedeng agarang pabayaran ng Lender nang buo ang lahat ng halagang secured ng Security Instrument na ito. Gayunpaman, hindi gagamitin ng Lender ang opsyong ito kung ipinagbabawal ng Naaangkop na Batas ang paggamit nito. Kung gagamitin ng Lender ang opsyong ito, bibigyan ng Lender ang Borrower ng notice of acceleration. Magbibigay ang abiso ng hindi bababa sa 30 araw mula sa petsa kung kailan ibinigay ang abiso alinsunod sa Seksyon 16 kung saan dapat bayaran ng Borrower ang lahat ng halagang na- secure ng Security Instrument na ito. Kung hindi mababayaran ng Borrower ang mga halagang ito bago lumipas ang o pagkalipas ng panahong ito, puwedeng gamitin ng Lender ang anumang remedyong pinapahintulutan ng Security Instrument na ito nang walang higit pang abiso o demand sa Borrower at puwede niyang singilin ang lahat ng magagastos sa paggamit sa mga nasabing remedyo, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa: (a) mga makatuwirang bayarin at gastos sa mga abugado; (b) bayad sa inspeksyon at valuation ng Pag-aari; at (c) iba pang bayad para maprotektahan ang Interes sa Pag-aari at/o mga karapatan ng Lender sa ilalim ng Security Instrument na ito. 11.