Security Deposit na Halimbawang mga Probisyon

Security Deposit. Ang Mangungupa ay babayad ng security deposit na itinakda sa itaas na (3) sa Nagpapaupa upang mabayaran ang anumang liabilidad buhat sa kontrata. Maaring gamitin ng Nagpapaupa ang security deposit upang bayarin ang anumang di-nabayaran na liabilidad ng Mangungupa buhat ng kontrata. Ang Mangungupa ay hindi makakapilit na dapat gamitin ang security deposit para mabayaran ang mga liabilidad bago umalis ng Propyedad. Dapat ibalik kaagad ng Nagpapaupa ang buong halaga ng security deposit pag-alis ng Mangungupa sa Propyedad. Ngunit, kung may di nabayaran na upa, o mga babayarin sa pag-repair upang maibalik ang Propyedad sa orihinal nitong kondisyon, na itinakda sa Artikulo 15, o kung may mga liabilidad sa ilalim ng kontrata na di nabayaran, ang Nagpapaupa ay maaring bayaran ang mga ito sa pamamagitan ng pagbawas ng halaga mula sa security deposit. Para sa nabanggit na kaso, ang Nagpapaupa ay dapat magpakita ng detalye ng mga halaga ng liabilidad na binawasan mula sa security deposit. Article 7.