(Pagtanggi sa Anti-social Forces) na Halimbawang mga Probisyon

(Pagtanggi sa Anti-social Forces). Artikulo 17 1 Titiyakin ng mamimili na siya ay hindi na ngayon, at hindi rin sa hinaharap na magiging alinman sa mga sumusunod. (1) Sindikato sa krimen (2) Miyembro ng sindikato sa krimen, o dating miyembro niyan at hindi lumampas sa 5 taon mula nang pag-alis sa sindikato (3) Di-regular na miyembro ng sindikato sa krimen (4) Kompanya na may kaugnayan sa sindikato sa krimen (5) "Sokaiya" na mandaraya sa miting ng stockholders, atbp (6) Mangunguwalta na nagtataguyod ng panlipunang kilusan, atbp (7) Grupo na eksperto sa intelektuwal na krimen, atbp (8) Taong nakikinabang sa alinman na nabanggit sa itaas (8) Iba pa na katulad ng nabanggit sa itaas 2 Titiyakin ng mamimili na hindi siya gagawa ng alinman sa mga sumusunod, o gagawa sa pamamagitan ng ikatlong partido. (1) Paghingi sa pamamagitan ng karahasan (2) Di-makatuwirang paghingi na lampas sa legal na pananagutan (3) Paggawa ng transaksiyon gamit xxx xxxxxx at gawa na pananakot, o ang karahasan (4) Pagsira sa kredibilidad ng Kompanya, o paghadlang sa operasyon ng Kompanya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng maling impormasyon, o paggamit ng mapandayang pamamaraan o puwersa (5) Iba pang paggawi na katulad ng nabanggit sa itaas 3 Ang Kompanya ay may karapatang tumanggi sa pagpasok sa kontrata sa mamimili o magpawalang-bisa sa kontrata na walang abiso, kapag natuklasan ng Kompanya na ang mamimili ay nagiging nasa alinmang nabanggit sa Parapo 1, o gumagawa ng alinmang nabanggit sa Parapo 2, o na ang mamimili ay nagsinungaling na may kinalaman sa pagtiyak base sa probisyon sa Parapo 1 at 2, o ang mamimili ay hindi tutugon sa kinakailangang imbestigasyong may kinalaman dito o magsisinungaling sa pagsagot sa imbestigasyong iyon, at ipapasiya ng Kompanya na hindi angkop na gawin o ipagpatuloy ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa’t Produktong Bibilhin sa Utang. Kapag pinaputol ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa’t Produktong Bibilhin sa Utang, ang mamimili ay mawawalan ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad ukol sa utang base sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa’t Produktong Bibilhin sa Utang, at agad niyang babayaran ang lahat ng utang. 4 Kapag ang Kompanya ay nagkaroon ng anumang pagkalugi, pinsala o paggastos (simula dito tinutukoy bilang ang "Mga Pinsala") dahil sa pagpapatupad ng mga probisyon na nabanggit sa naunang mga parapo, ang mamimili ay may pananagutan na magbayad sa mga iyon. Bukod pa dito, kapag ang mamimili ay nagkaroon ng Mga Pinsala dahil sa pagpapatupad ng mga probisyon n...