Pagpasok sa propyedad na Halimbawang mga Probisyon

Pagpasok sa propyedad. Maaring pumasok ang Nagpapaupa sa propyedad, nang walang pahintulot ng Mangungupa, kung kinakailangang dahil sa pangangasiwa ng propyedad, katulad ng panananatili ng istraktura. Ang Mangungupa ay hindi maaring makahadlang sa pagpasok ng Nagpapaupa para sa pangangasiwa ng propyedad, bukod na lang kung may magandang dahilan. Ang mga nag-iisip na maging Mangungupa ay maaaring tingnan ang propyedad kasama ng Nagpapaupa, at may pahintulot ng kasalukuyang Mangungupa. Upang maiwasan ang pagkalat ng sunog, at iba pang krisis, ang Nagpapaupa ay maaaring pumasok sa propyedad nang kahit walang permiso mula sa Mangungupa. Kapag pumasok sa propyedad habang wala ang Mangungupa, kailangang ipagbigay-alam ng Nagpapaupa sa Mangungupa ang nangyari. Artikulo 17