Pagpapatala sa mga batang may mga karagdagang pangangailangan na Halimbawang mga Probisyon

Pagpapatala sa mga batang may mga karagdagang pangangailangan. 11.1 Tinatanggap ng kolehiyo ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na nais na ipatala ang bata na may mga karagdagang pangangailangan at gagawin ang lahat na posible upang matugunan ang mga pangangailangan ng bata, sa kondisyon na narating ang isang pagkakaunawaan sa pagitan ng kolehiyo at mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga bago ang pagpapatala patungkol sa: • ang katangian ng anumang na-diagnose o pinaghihinalaang medikal na kondisyon/kapansanan, o anumang ibang mga kalagayan na nauugnay sa karagdagang pangangailangan sa pag-aaral ng bata, halimbawa, pambihirang talino (giftedness) o karanasan ng trauma • ang katangian ng anumang karagdagang tulong na inirerekomenda o nararapat na ibigay sa bata. Halimbawa, kagamitang medikal o espesyalista, mga pagsangguni sa espesyalista, partikular na suporta sa kapakanan (welfare support), mga pagbabago sa paligid ng silid- aralan o kurikulum, karagdagang katulong, mga indibidwal na programa sa edukasyon, mga planong suporta ng pag-uugali o iba pang mga pamamagitang pang-edukasyon na naaangkop • ang indibidwal na pisikal, pagsasagawa, emosyonal o pang-edukasyon na mga layunin, na nararapat sa bata, at kung paano magtutulungan bilang samahan ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at ang kolehiyo upang makamit ang mga layuning ito • anumang mga limitasyon sa kakayahan ng kolehiyo na maibigay ang karagdagang tulong na hinihiling. 11.2 Ang pamamaraan para sa pagpapatala ng mga estudyanteng may mga karagdagang pangangailangan, kung hindi man, ay katulad ng pagpapatala ng sinumang mag-aaral. 11.3 Dahil ang pangangailangan sa edukasyon ng bawat bata ay nagbabago sa paglipas ng panahon, kadalasan ay kinakailangang repasuhin ng kolehiyo ang anumang karagdagang tulong na ibinibigay sa mag-aaral, na may pagkunsulta sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at mga medikal/kaalyadong mga propesyonal sa kalusugan na gumagamot sa bata, upang masuri kung: • ang karagdagang tulong ay mananatiling kailangan at/o naaangkop sa mga pangangailangan ng mag-aaral • ang karagdagang tulong ay magkakaroon ng inaasahang positibong epekto sa indibidwal na pisikal, pagsasagawa, emosyonal o pang-edukasyon na mga layunin ng estudyante. Mananatili sa loob ng kakayahan ng kolehiyo na ipagpatuloy ang pagbibigay sa karagdagang tulong, kahit anupamang mga limitasyon ang umiiral. 12.