PAGKUHA NG PERSONAL NA IMPORMASYON na Halimbawang mga Probisyon

PAGKUHA NG PERSONAL NA IMPORMASYON. 1. Hindi kami mangongolekta ng anumang Personal na Impormasyon tungkol sa iyo nang hindi mo alam. Gayunpaman, maaari kaming awtomatikong makakolekta ng ilang impormasyon tungkol sa iyo kung saan kusa mong binibigay ang mga ganoong impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng aming mga serbisyo at sa pamamagitan ng iyong mga pakikipag-ugnayan sa amin. 2. Maaari rin kaming makatanggap ng mga ligal na Personal na Impormasyon mula sa mga online vendor at service provider, tulad ng mga kompanya na nangangasiwa ng pag-iwas sa pandaraya. Bilang karagdagan, nananatili kaming may karapatan na makipag-ugnayan sa mga serbisyong ibinibigay ng third-party upang magbigay ng suportang teknikal, upang maproseso ang iyong online na mga transaksyon at mga pinagkukunan ng nilalaman ng laro. 3. Mangyaring unawain na maaari kaming mabigyan ng access sa anumang impormasyon na kusa mong ibinigay sa mga vendor, service provider at mga third-party na nangangasiwa ng serbisyo sa e-commerce. Huwag kang magalala dahil gagamitin at pangangalagaan namin ang anumang Personal na Impormasyon na aming nakuha, tulad ng itinakda sa Patakarang ito. Ang anumang impormasyon na iyong ibinigay ay ibubunyag lamang sa mga third-party sa labas ng Kumpanya alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, at gagawin naming ang mga naayong gawin at anumang kinakailangang hakbang upang matiyak na ang aming mga kasunduan sa mga tagabigay ng serbisyo na third-party ay palaging protektahan ang iyong pribadong impormasyon.