Pagbibigay Ng Mga Abiso na Halimbawang mga Probisyon

Pagbibigay Ng Mga Abiso. (A) Abiso sa Borrower Maliban kung may iaatas na ibang paraan ang naaangkop na batas, ang anumang abiso na dapat ibigay sa akin sa ilalim ng Note na ito ay ibibigay sa pamamagitan ng paghahatid nito, o pagpapadala nito sa pamamagitan ng first class mail, sa Address ng Pag-aari sa itaas o sa ibang address kung bibigyan xx xxx Xxx-ari ng Note ng abiso tungkol sa iba kong address. Aabisuhan ko kaagad ang May-ari ng Note tungkol sa anumang pagbabago sa aking pisikal na address o papadalhang address. Maliban na lang kung iba ang iniaatas ng naaangkop na batas, posibleng magpadala ng abiso sa pamamagitan ng e- mail o iba pang electronic na komunikasyon kung sumang-xxxx ako at ang May-ari ng Note sa pamamagitan ng pagsulat at kung ibinigay ko sa May-ari ng Note ang kasalukuyan kong e-mail address o iba pang electronic na address. Kung napagkasunduan namin ng May-ari ng Note na puwedeng magbigay ng abiso sa pamamagitan ng e-mail o iba pang electronic na komunikasyon, aabisuhan ko kaagad ang May-ari ng Note tungkol sa anumang pagbabago sa aking e-mail address o iba pang electronic na address. (B) Abiso sa May-ari ng Note Ang anumang abiso na dapat kong ibigay sa May-ari ng Note sa ilalim ng Note na ito ay ihahatid sa pamamagitan ng first class mail sa May-ari ng Note sa address na nakasaad sa Seksyon 3(A) sa itaas o sa ibang address kung binigyan ako ng abiso tungkol sa ibang address na iyon. 8.
Pagbibigay Ng Mga Abiso