Pag-transfer ng Pag-aari o Kapaki-pakinabang na Interes sa Borrower na Halimbawang mga Probisyon

Pag-transfer ng Pag-aari o Kapaki-pakinabang na Interes sa Borrower. Para sa mga layunin ng Seksyon 19 na ito lang, tumutukoy ang “Interes sa Pag-aari” sa anumang legal o kapaki-pakinabang na interes sa Pag-aari, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, mga kapaki-pakinabang na interes na xxxx-transfer sa isang bond for deed, contract for deed, installment sales contract, o kasunduan sa escrow, kung saan layunin ng Borrower na mag-transfer ng titulo sa isang purchaser sa isang petsa sa hinaharap. Kung ang lahat ng o ang anumang bahagi ng Pag-aari o Interes sa Pag-aari ay maibebenta x xxxx-transfer (o kung hindi natural na tao ang Borrower at may maibebenta x xxxx-transfer na kapaki-pakinabang na interes sa Borrower) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Lender, puwedeng agarang pabayaran ng Lender nang buo ang lahat ng halagang secured ng Security Instrument na ito. Gayunpaman, hindi gagamitin ng Lender ang opsyong ito kung ipinagbabawal ng Naaangkop na Batas ang paggamit nito. Hindi rin gagamitin ng Lender ang opsyong ito kung (a) magsusumite ang Borrower ng impormasyon sa Lender na kinakailangan ng Lender para masuri ang nilalayong transferee, na para bang gumagawa ng bagong loan sa transferee, at (b) makatuwirang matutukoy ng Lender na hindi maaapektuhan ng assumption sa loan ang security ng Lender at na katanggap-tanggap sa Lender ang posibilidad na ma-breach ang anumang covenant o kasunduan sa Security Instrument na ito. Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng Naaangkop na Batas, puwedeng maningil ang Lender ng makatuwirang halaga bilang kundisyon ng pagpapahintulot ng Lender sa assumption sa loan. Puwede ring atasan ng Lender ang transferee na lumagda ng kasunduan sa assumption na katanggap-tanggap sa Lender at nag-oobliga sa transferee na tumupad sa lahat ng pangako at kasunduan sa Note at sa Security Instrument na ito. Patuloy na maoobliga ang Borrower sa ilalim ng Note at ng Security Instrument na ito maliban na lang kung ire-release ng Lender ang Borrower sa pamamagitan ng pagsulat. Kung gagamitin ng Lender ang opsyong ito para makakuha ng agarang pagbabayad nang buo, bibigyan ng Lender ang Borrower ng notice of acceleration. Magbibigay ang abiso ng hindi bababa sa 30 araw mula sa petsa kung kailan ibinigay ang abiso alinsunod sa Seksyon 16 kung saan dapat bayaran ng Borrower ang lahat ng halagang na-secure ng Security Instrument na ito. Kung hindi mababayaran ng Borrower ang mga halagang ito bago lumipas ang o pagkalipas ng panahong ito, puwedeng gamitin ng Lender ang anumang remedyong pinapahintu...
Pag-transfer ng Pag-aari o Kapaki-pakinabang na Interes sa Borrower. Inaamyendahan ang Seksyon 19 ng Security Instrument na ito sa ganitong pahayag: