Natatanging probisyon sa kontrata na Halimbawang mga Probisyon

Natatanging probisyon sa kontrata. Ang mga natatanging probisyon ng kontrata, bukod sa nabanggit sa Artikulo 18, ay ang sumusunod. Talisan 1 (kaugnay sa Artikulo 8, Talata 3) Talaan 2 (kaugnay sa Artikulo 8, Talata 4) Talaan 3 (kaugnay sa Artikulo 8, Talata 5) Pagpalit ng fuse Pagpalit ng washer at gasket ng gripo Pagpalit ng pambara at kadena sa banyo at ibang lugar Pagpalit ng mga bombilya Ibang maliliit na aayusin Talaan 4 (kaugnay sa Artikulo 9, Talata 5) Talaan 5 (kaugnay ng Artikulo 15) Mga kondisyon sa pagbalik sa orihinal na kondisyon Bukod sa nakatakda sa ilalim ng “Pambihirang Natatanging Probisyon, na nasa ilalim ng II sa ibaba, ang mga kondisyon sa pagbalik ng Propyedad sa orihinal na kondisyon ay alinsunod sa pag-iisip ng pangkalahatang prinsipyo ng pagbalik ng mga pinangungupahan sa kanilang orihinal na kondisyon. At yun ay: Ang mga pagkasira na dahil sa sadya o kapabayaan ng Mangungupa, ang paglabag ng kanyang tungkulin na magpatupad ng nararapat na pagsikap bilang mabuting tagapangasiwa, o ibang paraan ng paggamit na hindi limitado sa karaniwang paggamit, ay pagbabayaran ng Mangungupa. Subalit, ang Mangungupa ay hindi kinakailangang magbayad para sa pagkasira dulot ng lindol o ng kalikasan, pagkasira dulot ng labas na panig na walang relasyon sa Mangungupa, katulad ng residente sa ibabaw na palapag, o ibang pagkasira katulad nito. Ang Nagpapaupa ang magbabayad para sa pagkasira dahil sa natural na pagkarupok (pagkaluma) ng gusali, pasilidad etc. at pagkarupok mula sa ordinaryong paggamit ng Mangungupa (ordinaryong pagkarupok). Ang detalye ng itaas ay nakatakda sa sa Talaan 1 at 2 ng “Mga problema tungkol sa pagbalik sa orihinal na kondisyon at kaugnay na patakaran” (2ng edisyon) na inilathala ng Ministro ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon, at Turismo at nakabuod sa ibaba na I.