Mga update na Halimbawang mga Probisyon

Mga update. Sa Panahon ng Subscription, maaaring pana-panahong mag-deploy ang Nagbebenta ng pag- upgrade, pag-update, o pagpalit sa anumang Solution (“Update”) nang walang hiwalay na pahintulot o pagpayag mula sa iyo, at bilang resulta ng anumang naturang pag-deploy nito, maaaring hindi mo magamit ang naaangkop na Solution o Device (o ang ilang partikular na function ng Device) hangga’t sa ganap na ma-install o ma-activate ang anumang naturang Update. Ang bawat Update ay ituturing na bahagi ng “Solution” para sa lahat ng layunin ng Kasunduang ito. Ang mga Update ay maaaring maglaman ng mga pagdaragdag, at pag-aalis, ng anumang partikular na feature o functionality na iniaalok ng isang Solution, o maaaring palitan ng mga ito ng buo, at ang Nagbebenta ang tutukoy sa nilalaman, mga feature at functionality ng na-update na Solution sa sariling niyang kapasyahan. Hindi inaatasan ang Nagbebenta na ialok sa iyo ang opsyong tanggihan o ipagpaliban ang mga Update ngunit, sa anumang sitwasyon, maaaring kailanganin mong i-download at pahintulutan ang pag-install o pag-activate sa lahat ng available na Update upang masulit ang Solution. Maaaring ihinto ng Nagbebenta ang pagbibigay ng suporta para sa isang Solution hanggang sa tanggapin at i-install o i-activate mo ang lahat ng Update. Tutukuyin ng Nagbebenta, sa kanyang sariling kapasyahan, kapag at kung naaangkop ang mga Update at wala itong obligasyong magbigay sa iyo ng anumang Update. Maaaring ihinto ng Nagbebenta, sa kanyang sariling kapasyahan, ang pagbibigay ng mga Update para sa anumang bersyon ng Solution maliban sa pinakabagong bersyon, o ng mga Update na nagbibigay ng suporta sa paggamit ng Solution kaugnay ng anumang bersyon ng mga operating system, email program, browser program, at iba pang software kung para saan idinisenyo ang Solution. 4.