Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa wastong pag-uugali o pag-aasal na Halimbawang mga Probisyon

Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa wastong pag-uugali o pag-aasal. 8.1 Ang kolehiyo ay isang komunidad na nagbibigay ng halimbawa ng pagpapahalaga ng ebanghelyo sa pagmamahal, pagpapatawad, hustisya, at katotohanan. Kinikilala ng komunidad ng kolehiyo na ang bawat isa ay may karapatang igalang, makaramdam ng kaligtasan at maging ligtas; at, patungkol dito, nauunawaan ang kanilang mga karapatan at kinikilala ang kanilang obligasyon na kumilos nang responsable. 8.2 Ang bawat tao sa kolehiyo ay may karapatang makaramdam ng kaligtasan, maging masaya at matuto, kaya layunin namin na: • itaguyod ang mga prinsipyo ng katapatan, pagkamatarungan at paggalang sa iba • kilalanin ang halaga ng lahat na miyembro ng komunidad at ang kanilang karapatang magtrabaho at matuto sa isang positibong kapaligiran • panatilihin ang mabuting kaayusan at pagkakaisa • pagtibayin ang pagtutulungan at responsableng kalayaaan sa pag-aaral • Itaguyod ang sariling disiplina at buuin ang pananagutan para sa sariling pag-uugali. 8.3 Ang MACS at ang administrasyon ng kolehiyo, sa pakikipag-talakayan sa komunidad ng kolehiyo kung saan man nararapat, ay magpapatupad ng mga pamantayan sa pananamit, hitsura at pag- uugali para sa mga mag-aaral. 8.4 Bilang isang tuntunin ng pagpapatala ng iyong anak, ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang estudyante ay kailangang sumunod xxxx sa mga layunin ng kolehiyo sa pag-uugali at Code of Conduct, at suportahan ang kolehiyo sa pagpapatupad ng tagubilin sa pamantayan ng pananamit, hitsura at pag-uugali at siguruhin ang pagsunod sa mga Code of Conduct para sa mga Estudyante. 8.5 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na maging responsable na tiyakin na alam ng estudyante ang lahat ng mga patakaran at mga pamamaraan na nalalapat sa estudyante, kabilang iyong mga may kaugnayan sa pag-aasal at pag-uugali ng mag-aaral at anumang Code of Conduct para sa mga mag-aaral, at aktibong suportahan ang kolehiyo sa pagpapatupad ng mga naturang patakaran, mga pamamaraan at mga Code of Conduct. 8.6 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na sumunod sa anumang Koda ng Pag-uugali (Code of Conduct) para sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga o iba pang mga patakaran na ipinapatupad ng kolehiyo nang pana-panahon, na nagtatakda ng mga inaasahan nito sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na mayroong estudyanteng nakatala sa kolehiyo. 8.7 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang anumang hindi katanggap-tanggap na pag-...