Mga Nakasulat na Tuntunin at Kondisyon na Halimbawang mga Probisyon

Mga Nakasulat na Tuntunin at Kondisyon. Bagaman hindi kinakailangang nakasulat ang kabuuan ng kontrata ng empleo, kailangang nakasulat ang ilang mga tuntunin at kondisyon dalawang buwan sa pagsisimula ng empleo. Karaniwang kabilang dito ang pamamaraan ng pagkakalkula ng bayad at kung may nakalatag na sickpay na iskema. (Para sa mga empleadong fixed-term, kabilang din dito kung paano matatapos ang kanilang empleo). Inaatasan sa ilalim ngTermsofEmployment(Information)Acts1994 hanggang2014 ang mga employer na bigyan ang kanilang mga empleado ng nakasulat na pahayag ng mga tuntunin at kondisyon kaugnay sa kanilang empleo dalawang buwan sa pagsisimula ng empleo. Kabilang dapat dito ang mga sumusunod: • Ang buong pangalan ng employer at empleado, • Ang tirahan ngemployer, • Xxx xxxxx ng trabaho, o kung di-permanente xxx xxxxx, pahayag na nagsasabing kailangan o pinahihintulutan ang empleado na magtrabaho sa iba’t ibang lugar, • Titulo ng trabaho o kalikasan ng trabaho, • Petsa ng pagsisimula ng trabaho, • Kung pansamantala ang kontrata, ang inaasahang itatagal ng trabaho, • Kung pang-fixed-term ang kontrata, ang petsa ng pagtatapos ng kontrata, • Ang rate ng bayad o paraan ng kalkulasyon nito, • Ang karapatang mabigyan ng nakasulat na pahayag sa karaniwang rate kada oras ng bayad sa anumang reference period kapag hiniling, • Kung lingguhan, buwanan, o ano pa man ang bayad, • Mga tuntunin at kondisyong kaugnay sa oras ng trabaho, kabilang ang overtime, • Mga tuntunin at kondisyong kaugnay sa bayad na leave(maliban sa bayad na sickleave), • Mga tuntunin at kondisyong kaugnay sa di-pagpasok sa trabaho dahil sa sakit o pinsala sa katawan, • Mga tuntunin at kondisyong kaugnay sa mga pensiyon at mga iskema sa pensiyon, • Palugit na panahon sa abisoo pamamaraan sa pagtukoy sapalugit na panahon sa abiso, • Reperensiya sa anumang kolektibong kasunduan na nakaaapekto sa mga tuntunin ng empleo.