Mga Mobile App na Halimbawang mga Probisyon

Mga Mobile App. Ginagamit ang Seksiyon 14.3 na ito para sa Mga Solusyon na nilalayong gamitin sa Mga Mobile na Device. 14.3.1. Para sa Mga Solusyon na nai-download mula sa Google Play (xxxx://xxxx.xxxxxx.xxx), ang ipinagkaloob na lisensiya sa pamamagitan ng Kasunduang ito ay pamalit sa anumang karapatan sa paggamit ng Solusyon na sa ibang pagkakataon ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng mga default na takda para sa mga application na nai-download mula sa Google Play Store. 14.3.2. Para sa Mga Solusyon na nai-download mula sa Apple App Store, ginagamit ang mga sumusunod na: (a) Ang lisensiyang ibinibigay sa Kasunduang ito ay limitado sa isang di-naililipat na lisensiya para gamitin ang Solusyon sa anumang iPhone, iPod Touch o iba pang Apple-powered na Device na pag-aari o kinokontrol mo at tulad ng pinapahintulutan ng Mga Tuntunin sa Paggamit na itinatakda sa Mga Takda ng Serbisyo ng Apple App Stores, na makukuha online sa xxxx://xxx.xxxxx.xxx/xxxxx/xxxxxxxx-xxxxxxxx/xxxxxx/xx/xxxxx.xxxx o sa pamamagitan ng mga gayong site at iba pang paraan na ginawa ng Apple na makukuha mo. (b) Ang Kasunduang ito ay pinagpapasiyahan tanging sa pagitan ng mga partido, at hindi kasama ang Apple. Ang Nagbibili, hindi ang Apple, ay tanging responsable para sa Mga Solusyon at sa nilalaman nito. (c) Walang kahit anong obligasyon ang Apple na magbigay ng anumang mga serbisyong pagpapanatili at suporta kaugnay ng Solusyon. (d) Kung bigo ang Solusyon na sumunod sa anumang nalalapat na garantiya, maaari mong abisuhan ang Apple, at ibabalik sa iyo ng Apple ang halagang ibinayad para sa Solusyon. Hanggang sa pinakamalawak na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, ang Apple ay hindi magkakaroon ng anumang iba pang obligasyong garantiya kaugnay ng Solusyon, at, sa pagitan mo, ng Nagbibili at ng Apple, ang anumang iba pang paghahabol, kawalan, pananagutan, pinsala, halaga o gastos na maipapalagay na bunga ng anumang kabiguan na sumunod sa anumang garantiya ay magiging solong responsibilidad ng Nagbibili. (e) Ang Nagbibili, hindi ang Apple, ay responsable sa pagtugon sa anumang mga paghahabol mo o ng anumang third party kaugnay ng Solusyon o ng iyong posesyon at/o paggamit ng Solusyon, kasama, nguni’t hindi limitado sa: (i) mga paghahabol sa panganib ng produkto; (ii) anumang paghahabol na bigo ang Solusyon na sumunod sa anumang naaangkop na pangangailangang legal o pangregulasyon; at (iii) mga paghahabol na bunga ng proteksiyong pangmamimili o mga katulad na batas. (f) Sa pangyayari ng anumang paghahabol...