Mga Empleadong Part-Time na Halimbawang mga Probisyon

Mga Empleadong Part-Time. Ang empleadong part-time ay may mas maiksing oras ng trabaho kompara sa empleadong full-time na may parehong uri ng gawain. Ang empleadong part-time ay hindi dapat ituring na mas mababa kompara sa kaparis na empleadong full-time sa lahat ng kondisyon ng empleo, at sakop ng batas sa proteksiyon ng empleado ang mga empleadong part-time katulad ng aplikasyon nito sa mga emleadong full-time. Maaari lamang ituring ang empleadong part-time nang mas mababa sa kaparis nitong empleadong full-time kung may katwiran at obhetibong batayan ang pagturing na ito.