Mga Empleadong Fixed-Term na Halimbawang mga Probisyon

Mga Empleadong Fixed-Term. Ang empleadong fixed-term ay nakapaloob sa kontratang may espesipikong petsa ng simula at wakas, o kinuha sa trabaho para sa mga espesipikong gawain o proyekto, o may kontratang ang tagal ay nakadepende sa isang partikular na pangyayari tulad ng pagkakaroon ng tuloy-tuloy na pondo mula sa panlabas na entidad. Hindi maaaring ituring na mas mababa ang mga empleadong fixed-termkompara sa mgapermanentengempleado kaugnay sa mga kondisyon ng empleo. Sakop din ang mga empleadong fixed- termng lahat ng batas sa proteksiyon ng mga empleado, maliban sa mga may kaugnayan sa di-makatwirang terminasyon sa ilang kaso, katulad ng aplikasyon nito sa mga permanenteng empleado. Hindi maaaring manatili ang mga empleado sa serye ng mga kontratangfixed-term nang walang katiyakan. Kung ang empleadong nagsimulang magtrabaho bago ang 14 Hulyo 2003 ay may tatlong sunod-sunod na taon ng serbisyo bilang empleadong fixed-term, at kapag babaguhin ang kontrata sa o pagkatapos ng 14 Hulyo 2013, isang fixed-term na kontrata lamang ang maaaring ialok sa kaniya. Hindi maaaring lumampas sa isang taon ang pagbabagong ito ng fixed-term na kontrata. Pagkatapos nito, kung nais ng employer na magpatuloy ang empleado sa trabaho, ito ay dapat na nakabatay sa kontrata na di-tiyak ang itatagal. Kung ang empleadong nagsimulang magtrabaho sa o pagkatapos ng 14 Hulyo 2003 ay mayroon nang dalawa o higit pang kontratang fixed-term, hindi dapat lumampas ang pinagsamang haba ng mga kontratang ito sa apat na taon. Pagkatapos nito, kung nais ng employer na magpatuloy ang empleado sa trabaho, ito ay dapat na nakabatay sa kontrata na di-tiyak ang itatagal.