Limitadong garantiya; mga pagtalikod at hindi pagsasama ng pananagutan na Halimbawang mga Probisyon

Limitadong garantiya; mga pagtalikod at hindi pagsasama ng pananagutan. 6.1. Sumasailalim sa nalalabing bahagi nitong Seksiyon 6, ginagarantiyahan sa iyo ng Nagbibili na ang Solusyon ay lubusang gagana, o pagaganahin alinsunod sa Mga Dokumento sa loob ng panahong tatlumpung (30) araw kasunod ng unang pagtanggap mo ng Solusyon. Para makagawa ng paghahabol sa garantiya, dapat xxxx xxxxxx ang mga tagubilin na ibinigay ng pinagkunan kung saan mo binili ang Solusyon. Kung ang Solusyon ay hindi lubusang gagana alinsunod sa Mga Dokumento, ang buo at eksklusibong pananagutan ng Nagbibili at ng mga tagapamahagi at ahente nito at ang iyong solo at eksklusibong remedyo ay magiging limitado, sa opsiyon ng Nagbibili, sa alinman sa: (i) pagpapalit ng Solusyon; o (ii) ibalik ang Solusyon para sa balik- bayad ng mga bayad at singilin na binayaran mo Solusyon (ang “Mga Bayad”). Ginagamit lamang ang garantiyang ito sa Solusyon tulad ng orihinal na pagkakahatid, at hindi ginagamit sa mga pag-update o depektong dulot ng kombinasyon, operasyon o paggamit ng Solusyon sa software, hardware o iba pang materyal na hindi ibinigay ng Nagbibili, o ng Mga Device, software, o iba pang materyal na hindi sumusunod sa mga kinakailangan ng Nagbibili na itinakda sa Mga Dokumento. 6.2. HINDI GINAGARANTIYAHAN NG NAGBIBILI AT NG MGA TAGAPAMAHAGI AT AHENTE NITO ANG PAGGANAP O MGA RESULTA NA MAAARI MONG MAKUHA SA PAGGAMIT NG ANUMANG SOLUSYON O MGA DOKUMENTO. ANG REMEDYO SA SEKSIYONG ITO AY NAGSASAAD NG MGA SOLO AT EKSKLUSIBONG REMEDYO SA PAGLABAG SA GARANTIYA NG NAGBIBILI O NG MGA TAGAPAMAHAGI O AHENTE NITO. MALIBAN SA BINABANGGIT NA LIMITADONG GARANTIYA, ANG SOLUSYON AY IBINIBIGAY NANG "KUNG PAANO ITO" AT ANG NAGBIBILI AT ANG MGA TAGAPAMAHAGI AT AHENTE NITO AY WALANG IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG NA MGA GARANTIYA O KONDISYON AT, SA PINAKAMALAWAK NA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, TINATALIKURAN ANG ANUMAN AT LAHAT NG KONDISYON AT GARANTIYA NA IPINAHIWATIG SA PAMAMAGITAN NG BATAS, KARANIWANG BATAS, LEHISLASYON O IBA PANG TEORIYA NG BATAS, KASAMA NGUNI'T HINDI LIMITADO SA MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA O KONDISYON NG HINDI PAGLABAG SA MGA KARAPATAN NG IKATLONG PARTIDO, KAKAYAHANG IKALAKAL, ANGKOP NA KALIDAD O KAANGKUPAN PARA SA ANUMANG PARTIKULAR NA LAYUNIN. HINDI GINAGARANTIYAHAN NG NAGBIBILI NA ANG OPERASYON NG MGA SOLUSYON AY HINDI MAGAGAMBALA O LIBRE SA ERROR, NA ANG MGA SOLUSYON AY GAGANA NANG WASTO SA ANUMANG IBINIBIGAY NA DEVICE O SA ANUMANG PARTIKULAR NA KUMPIGURASYON NG HARDWARE AT/O SOFTWARE, O NA ANG MGA SOLUSYONS AY MAGBIBIGAY NG KUMPLETONG PROTEKSIYON PARA SA INTEG...