Ligtas na kapaligiran ng bata na Halimbawang mga Probisyon

Ligtas na kapaligiran ng bata. 5.1 Ang mga komunidad ng mga paaralang Katoliko ay may responsibilidad na moral, legal, at inuudyok ng misyon na lumikha ng mga maarugang kapaligiran ng paaralan kung saan iginagalang ang mga bata, pinakikinggan ang kanilang mga tinig, at lugar kung saan sila ay ligtas at nakadarama na ligtas. 5.2 Ang bawat taong kaugnay sa edukasyong Katoliko, kabilang ang lahat ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga sa ating paaralan, ay may responsibilidad na unawain ang kahalagahan at partikular na papel na ginagampanan ng bawat isa nang mag-isa at nang sama-sama upang matiyak na ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga bata ay nasa unahan ng lahat ng kanilang ginagawa at bawat desisyon na kanilang gagawin. 5.3 Ang mga patakaran ng paaralan sa kaligtasan ng bata, mga koda ng pag-aasal at mga gawi ay nagtatakda ng pangako sa kaligtasan ng bata, at mga proseso para sa pagtukoy, pakikipag-usap, pag-uulat, at pagtugon sa pag-uugali at mga paratang ng pang-aabuso sa bata. Ang mga dokumentong ito ay nagsasaad ng malinaw na mga inaasahan mula sa lahat ng kawani at mga boluntaryo para sa naaangkop na pag-uugali sa mga mag-aaral upang mapangalagaan sila laban sa pang-aabuso. 5.4 Ang paaralan ay nagtatag ng mga kagawian sa human resources kung saan nauunawaan ng mga bagong recruit na kawani, kasalukuyang kawani at mga boluntaryo sa paaralan ang kahalagahan ng kaligtasan ng bata, sinanay sila upang mabawasan ang panganib ng pang-aabuso sa bata, at nalalaman xxxx xxx mga nauugnay na patakaran at pamamaraan ng paaralan. Ang paaralan ay nagbibigay din ng patuloy na pagsasanay, pangangasiwa at pagsubaybay sa mga kawani upang matiyak na sila ay angkop na makipagtulungan sa mga mag-aaral bilang bahagi ng aming mga kagawian sa human resources. 5.5 Ang paaralan ay may matatag, nakabalangkas na mga proseso ng pamamahala sa peligro gaya ng itinakda ng MACS na tumutulong sa pagtatatag at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa bata, na kinabibilangan ng pagsasaalang-alang sa mga posibleng dahilan ng mga panganib na malawak ang pinagbabatayan sa hanay ng mga konteksto, kapaligiran, relasyon, at aktibidad kung saan kasali dito ang mga mag-aaral sa loob ng aming paaralan. 5.6 Ang paaralan, sa pakikipagtulungan sa mga pamilya, ay tumitiyak na ang mga bata at kabataan ay nakikibahagi at mga aktibong kalahok sa mga proseso ng paggawa ng desisyon, lalo na sa mga maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan. Nangangahulugan ito na ang mga pananaw ng mga kawani, mga bata, mga kabataan at mga...