Kodigo ng Pagsasagawa at Iba pang Kahingian na Halimbawang mga Probisyon

Kodigo ng Pagsasagawa at Iba pang Kahingian. Sa mga lugar ng empleo, itinuturing na mahalaga ang pagbuo ng mga partikular na polisiya at prosidyur, tulad ng iyong mga may kaugnayan sa disiplina at hinaing, dignidad sa trabaho (kabilang ang bullying at harassment), samantalang itinuturing na best practics ang pagbuo ng iba pang polisiya at prosidyur, tulad ng mga polisiya sa proteksiyon ng dataat sa pagliban. Magbabago-bago ang kahalagahan nito para sa mga employer depende sa uri ng sangkot na negosyo. Ilang organisasyon, kabilang ang WorkplaceRelations Commission,angHealthandSafetyAuthority, at angOfficeof theRevenueCommissioners ang nakapaglabas na ng mga kodigo ng pagsasagawa na maaaring makatulong sa mga employer. (Tingnan ang Apendiks II para sa iskedyul ng mahahalagang Kodigo, Polyeto, Buklet na Nagpapaliwanag, at iba pang materyal). Marami pang ibang bagay na kailangang isaalang-alang kapag mag-eempleo ng mga tauhan, kabilang na ang buwis at kagalingang panlipunan, mga pensiyon, pagkakapantay-pantay, proteksiyon ng data, at mga kahingian sa kalusugan at kaligtasan. (Nasa Apendiks I ng babasahing ito ang listahan ng mga organisasyon at kaukulang detalye ng contact).