Katapusan ng Pangungupahan na Halimbawang mga Probisyon

Katapusan ng Pangungupahan a. Upang matapos ang Kasunduang ito, ang Umuupa ay dapat magbigay sa Nagpapaupa ng 30-araw na paunawang nakasulat bago lumisan sa yunit. b. Anumang pagtatapos ng Kasunduang ito ng Nagpapaupa ay dapat isagawa batay sa mga regulasyon ng HUD, pang-estado at lokal na batas, at mga termino ng Kasunduang ito. c. Maaaring tapusin ng Nagpapaupa ang Kasundang ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: 1. ang materyal na hindi pagsunod ng Umuupa sa mga termino ng Kasunduang ito; 2. ang materyal na hindi pagtupad sa mga obligasyon ng Umuupa sa ilalim ng anumang State Landlord at Tenant Act; 3. kriminal na gawaing kaugnay sa drogang isinasagawa sa loob o malapit sa lugar, ng sinumang umuupa, miyembro ng sambahayan, o bisita, at anumang ganitong aktibidad na ginagawa sa loob ng lugar ng sinumang tao na nasa pamamahala ng umuupa; 4. ginawang pagtitiyak ng Nagpapaupa na ang miyembro ng sambahayan ay ilegal na gumagamit ng droga; 5. ginawang pagtitiyak ng Nagpapaupa na ang kilos ng ilegal na paggamit ng droga ay nakakasagabal sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan sa payapang paggamit ng lugar ng ibang mga residente; 6. kriminal na aktibidad ng umuupa, sinumang miyembro ng sabahayan ng umuupa, isang bisita o isa pang taong nasa pamamahala ng umuupa: (a) na nagbabanta sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan sa payapang paggamit ng lugar ng ibang mga residente (kasama ang mga kawaning namamahala sa ari-arian na naninirahan sa lugar); o (b) na nagbabanta sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan sa payapang paggamit sa kanilang mga tahanan ng mga taong naninirahan sa pinakamalapit na paligid ng lugar; 7. kung ang umuupa ay tumatakas upang maiwasan ang pag- uusig, o pag-aalaga o pagkakulong pagkatapos ng paghatol, para sa isang krimen, o tangkang gumawa ng krimen, iyan ay isang krimen sa ilalim ng mga batas ng lugar na kung saan tumatakas ang indibiduwal, o sa kaso ng Estado ng New Jersey, ay isang mataas na antas ng maliit na kasalanan; 8. kung ang umuupa ay lumalabag sa kondisyon ng pagsubok na paglaya o parol sa ilalim ng batas ng Federal o Estado; 9. ginawang pagtitiyak ng Nagpapaupa na ang pag-abuso o kilos ng paggamit ng alak ng isang miyembro ng sambahayan ay nagbabanta sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan sa payapang paggamit ng lugar ng ibang mga residente; 10. kung matitiyak ng Nagpapaupa na ang umuupa, sinumang miyembro ng sambahayan ng umuupa, bisita o isa pang tao na nasa pamamahala ng umuupa ay nagsagawa ng kriminal na aktibidad, sa kabila ng kung ang umuupa, sinumang...