Bayarin para sa mga Nahuling Pagbabayad at mga Tumalbog na Tseke na Halimbawang mga Probisyon

Bayarin para sa mga Nahuling Pagbabayad at mga Tumalbog na Tseke. Kung ang Umuupa ay hindi nagbayad ng kabuuang halaga para sa upa na ipinapakita sa talata 3 sa katapusan ng ika-5 araw ng buwan, ang Nagpapaupa ay maaaring Sumingil ng $5 sa ika-6 na araw ng buwan. Pagkatapos noon, ang Nagpapaupa ay maaaring sumingil ng $1 sa bawat karagdagang araw na nananatiling hindi pa bayad ang upa sa buwan na ito ay dapat bayaran. Ang Nagpapaupa ay hindi maaaring tapusin ang Kasunduang ito dahil sa hindi pagbayad ng mga nahuling bayarin, ngunit maaaring tapusin ang Kasunduang ito dahil sa hindi pagbabayad ng upa, na ipinaliwanag sa talata 23. Ang Nagpapaupa ay maaaring maningil ng $ (N) sa pangalawa o anumang karagdagang pagkakataon na ang tseke ay hindi tinanggap upang mabayaran (tumalbog). Ang mga bayarin na tinalakay sa talatang ito ay karagdagan sa regular na buwanang upa na babayaran ng Umuupa. 6.