Avast Secure Web Gateway at Avast Secure Internet Gateway na Halimbawang mga Probisyon

Avast Secure Web Gateway at Avast Secure Internet Gateway. 13.12.1. Tulad ng paggamit sa Seksyon 13.12 na ito: (a) Tumutukoy ang “Pinagsama-samang Data” sa data na: (i) ginawang anonymous, at hindi nakakapagbigay sa pagkakakilanlan ng sinumang tao o anumang entity; (ii) isinama sa data ng iba pang user ng Avast Secure Gateway, at/o mga karagdagang data source; at (iii) ipinapakita sa paraan kung saan hindi makikilala ang mga indibidwal na user ng Avast Secure Gateway. (b) Ang kahulugan ng “Avast Secure Gateway” ay ang Avast Secure Web Gateway o Avast Secure Internet Gateway; (c) Ang kahulugan ng “DNS na Transaksyon” ay isang umuulit na query sa DNS na ipinapadala mo sa pamamagitan ng paggamit mo ng Avast Secure Web Gateway. (d) Ang kahulugan ng “Seat” ay isang subscription para sa isang indibidwal na ina-access ang Internet na kaugnay sa Avast Secure Gateway na higit pang inilalarawan sa Seksyon 13.12.5. Maaari lang ilipat ang Seat mula sa isang naturang indibidwal sa isa pang naturang indibidwal kung hindi na pinahihintulutan ang orihinal na indibidwal na i-access ang Internet kaugnay ng Avast Secure Gateway at kung hindi niya xxx xxx-access. (e) Ang kahulugan ng “Transaksyon” ay isang kahilingan sa HTTP o HTTPS na ipinapadala sa iyo o ipinapadala mo sa pamamagitan ng iyong paggamit sa Avast Secure Internet Gateway. 13.12.2. Hindi mo dapat gawin ang mga sumusunod gamit ang anumang Device na pinoprotektahan ng Avast Secure Gateway: (i) magpadala ng spam o kaya ay paulit-ulit o hindi kanais-nais na mensahe na lumalabag sa anumang naaangkop na batas; (ii) magpadala ng lumalabag, malaswa, nagbabanta, libeloso, o ilegal na materyal; (iii) mag-access ng mga na-block na serbisyo na lumalabag sa anumang naaangkop na batas; o (iv) magpatakbo ng mga automated na query sa mga Internet URL. 13.12.3. Tinatanggap at kinukumpirma mo na: (i) upang maibigay ng Nagbebenta ang Avast Secure Gateway, dapat mong ipasa ang iyong trapiko sa Internet sa Nagbebenta sa pamamagitan ng mga wastong mekanismo sa pagpapasa na nagbibigay-daan sa awtomatikong fail-over (ibig sabihin ay DNS, PAC, IPSEC at GRE tunnel o isang naaangkop na Solution ng Nagbebenta); (ii) responsibilidad mong bigyan ang Nagbebenta ng anumang teknikal na data at iba pang impormasyon na maaaring makatuwirang hilingin ng Nagbebenta paminsan-minsan; (iii) maaaring gamitin ng Grupo ng Nagbebenta at mga Nagbebenta na Partner ang impormasyon ng Malicious Code (bilang tinukoy sa Seksyon 13.16.1(b)), spam, botnet, o iba pang impormasyon na hango sa paggamit mo sa Avast Secure Ga...