Avast Family Space na Halimbawang mga Probisyon

Avast Family Space. (ibinibenta rin bilang Star Guard Family at Vodafone Family Protect). 13.5.1. Nilalayon ang Avast Family Space, ibinibenta rin bilang Star Guard Family at Vodafone Family Protect (“Family Space”) para sa pansarili, di-komersyal na gamit ng mga magulang upang proteksyunan ang kanilangmga anak, ng mga legal na tagapamahala upang proteksyunan ang kanilang mga alaga, o ng mga nakatatanda upang proteksyunan ang ibang mga nakatatanda na kung saan sila ay nakatanggap ng ganap na batid na pahintulot. Hindi mo dapat gamitin ang Family Space maliban sa layunin kung bakit ito ginawa, at walang responsibilidad o pananagutan ang mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta para sa anumang hindi awtorisado o ilegal na paggamit. 13.5.2. Sa pamamagitan ng paggamit ng Family Space, ipinapahayag at ginagarantiya mo na: (i) ikaw ay 18 taong gulang pataas; at (ii) mayroon kang awtoridad na, at sa pamamagitan nito ay pinapahintulutan mo na, kolektahin ang data para sa sinumang tao na isasama mo sa iyong Family Space account, kabilang ang sinumang taong wala pang 13 taong gulang. Kinukumpirma mo na ang mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ay mangongolekta, gagamit at maglalahad ng heograpikong lokasyon at iba pang impormasyong kinakailangan upang mabigyang-daan ang pagpapatakbo at paghahatid sa mga feature ng Family Space. 13.5.3. Kinukumpirma mo na: (i) ang mga resultang maaari mong makuha sa Family Space, kabilang ang data at mensahe, ay maaaring hindi tumpak, napapanahon o maaasahan; (ii) ang ilang content na itinuturing mong hindi kaaya-aya o gusto mong ma-block ay maaaring hindi palaging ma-block ng Avast Family Shield; (iii) ang Family Space ay maaaring paminsan-minsang mag- block ng content na maaaring itinuturing mong katanggap-tanggap; at (iv) dahil maaaring magbago nang walang abiso ang content ng ikatlong partido, hindi magagarantiya ng Nagbebenta na palaging makakasabay sa content ng ikatlong partido ang mga kategorya at filter nito ng content. Kung naniniwala kang hindi tamang inuuri ng Family Space ang isang site o serbisyo, mangyaring kontakin ang Nagbebenta sa pamamagitan ng e-mail sa xxxxxxxxxxxxxxxx@xxxxx.xxx. 13.6.