Adjudication na Halimbawang mga Probisyon

Adjudication. Ang AdjudicationOfficersoftheWorkplace RelationsCommission(WRC)ay independente sa kanilang mga tungkulin sa pagpapasya dahil nauugnay sila sa pagdinig ng mga reklamong idinulog sa kanila ng DirectorGeneral ng WRC. Tungkulin ng AdjudicationOfficer na magsagawa ng pagdinig na nagbibigay sa parehong partido ng pagkakataong mapakinggan ng AdjudicationOfficerat maghain ng anumang ebidensiyang may kaugnayan sa reklamo. Pribado ang mga pagdinig ng WorkplaceRelations Commission. Hindi tatangkain ng AdjudicationOfficer na pumagitna o pahupain ang mga partido. Maaaring samahan at irepresenta ang mga partido ng opisyal ng unyon ng manggagawa, ng opisyal ng katawang sa opinyon ng Adjudication Officer ay nagrerepresenta sa mga interes ng mga employer, at abogado o solisitor o iba pang taong pinahihintulutan ng AdjudicationOfficer. Pagpapasyahan ng AdjudicationOfficer ang kaso at magbibigay siya ng nakasulat na desisyon kaugnay ng reklamo.Ang desisyon, na ipaaalam sa parehong partido at ilalathala, ay (a) nagdedeklara kung may batayan ang reklamo ng nagrereklamo, (b) nag-aatas sa employer na tumupad sa kaugnay na (mga) probisyon, (c) nag-aatas sa mga employer na iwasto ang pagkakamali sa paraang makatwiran at patas sa lahat. Maaaring umapela ang partido sa kaso sa LabourCourtmatapos ang desisyon ngAdjudicationOfficer.