Ang Index na Halimbawang mga Probisyon

Ang Index. Simula sa unang araw ng Petsa ng Pagbabago, ibabatay ang aking adjustable na interest rate sa isang Index na kakalkulahin at ibibigay sa pangkalahatang publiko ng isang administrator (ang “Administrator”). Ang “Index” ay isang benchmark, na tinatawag na 30 araw na Average na SOFR index. Ang Index ay kasalukuyang inilalathala ng Federal Reserve Bank of New York. Ang pinakabagong value ng Index na available sa petsa 45 araw bago ang bawat Petsa ng Pagbabago ay tatawaging “Kasalukuyang Index,” basta't kung wala pang zero ang Kasalukuyang Index ay ituturing itong zero para sa mga layunin sa pagkalkula ng aking interest rate. Kung hindi na available ang Index, papalitan ito xxxx sa Seksyon 4(G) sa ibaba. (C)