Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa pagbibigay ng tamang impormasyon na Halimbawang mga Probisyon

Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa pagbibigay ng tamang impormasyon. 10.1 Napakamahalaga na malaman ng punong-guro ang kalagayan ng bawat mag-aaral, dahil ang mga ito ay maaaring makaepekto sa kanilang pisikal, paggawa, emosyonal o pang-edukasyon na mga pangangailangan, lalu na kung saan ang paaralan ay kinakailangang magbigay ng karagdagang suporta sa estudyante. 10.2 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay dapat magbigay ng tumpak at pangkasalukuyang impormasyon kapag kinukumpleto ang porma ng pagpapatala at dapat maibigay sa paaralan, bago ang pagpapatala, ang anumang karagdagang impormasyon na maaaring hilingin, kabilang ang mga kopya ng mga dokumento tulad ng mga ulat na medikal/espesyalista (kung nauugnay sa pag-aaral ng bata), mga ulat mula sa mga dating paaralan, mga court order o mga parenting order. Ang pagbibigay ng hiniling na dokumentasyon ay itinuturing na kondisyon ng pagpapatala, at ang pagpapatala ay maaaring tanggihan o wakasan kung ang magulang/katiwala/tagapag-alaga ay hindi makatwirang tumangging magbigay ng hinihiling na impormasyon o sadyang hindi nagbigay ng nauugnay na impormasyon sa paaralan. 10.3 Kung, sa panahon habang nagpapatala ng isang bata, nagkaroon ng bagong impormasyon na mahalaga sa mga pangangailangang pang-edukasyon at/o kaligtasan at kapakanan, ito ay isang tuntunin sa pagpapatuloy ng pagpapatala ng mag-aaral na ang naturang impormasyon ay maibigay kaagad sa paaralan. Ang hindi pagbibigay ng naturang impormasyon ay ituturing na paglabag sa mga tuntunin at mga kondisyon ng pagpapatala. 10.4 Ang pagbibigay ng hindi tumpak na address ng tirahan o hindi pagbibigay ng binagong address ng tirahan para sa bata ay ituturing din na isang paglabag sa mga tuntunin ng pagpapatala. 10.5 Anumang paglabag sa mga tuntunin at mga kondisyon ng pagpapatala patungkol sa pagbibigay ng tumpak na impormasyon na hindi inayos kapag hiniling ng paaralan ay maaaring magresulta sa pagsususpinde o pagwawakas ng pagpapatala. 11.