Disiplina na Halimbawang mga Probisyon

Disiplina. 13.1 Ang paaralan xxx xxx xxxxxx pagpapasya upang matukoy kung ang pag-uugali ng mag-aaral ay nararapat na bigyan ng aksiyong pagdidisiplina. Maaaring gumamit ang paaralan ng mga hakbang sa pagdidisiplina na sa palagay nito ay nararapat alinsunod sa mga patakaran at mga pamamaraan ng paaralan, na maaaring kabilang ang: • pagbawi ng mga pribilehiyo • detensyon sa mga pakakataong sa palagay ng punong-guro ay naaangkop • atasan ang estudyante na gumawa ng karagdagang gawaing pampaaralan habang o pagkatapos ng karaniwang oras ng pag-aaral • pagsuspinde • pagpatalsik • iba pang mga kahihinatnan na itinuturing ng paaralan na makatwiran at nararapat. 13.2 Anumang malubhang kabiguan ng estudyante na sumunod sa mga patakaran at mga pamamaraan ng paaralan ay maaaring makaapekto sa pagpapatala ng mag-aaral sa paaralan. Maaaring masuspinde ang mag-aaral sa paaralan, ang kanilang pagpapatala ay maaaring wakasan at/o maaaring singilin o panatilihin ng paaralan ang lahat o bahagi ng mga bayarin, mga buwis o singilin para sa terminong iyon. 14.